Leviticus 6

Patuloy na paniningasin ang apoy sa altar, at huwag itong pabayaang mamatay.

Leviticus 6:13 (UKJV) The fire shall ever be burning upon the altar; it shall never go out.

11Pagkatapos, magpapalit siya ng damit at dadalhin niya ang abo sa labas ng kampo sa itinuturing na malinis na lugar.

12Kinakailangang ang apoy sa altar ay patuloy na nagniningas. Huwag itong papatayin. Tuwing umagaʼy gagatungan ito ng pari, at aayusin nang mabuti ang mga handog na sinusunog sa itaas ng mga panggatong pati na ang mga taba ng hayop mula sa inialay na handog pangkapayapaan.

13Patuloy na paniningasin ang apoy sa altar, at huwag itong pabayaang mamatay.

14“ ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na pagkaing butil: Ang mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa Panginoon sa harap ng altar.

15Dadakot ang pari sa handog na harinang may halong langis ng olibo at insenso, dadalhin niya ito sa altar at sunugin bilang tanda na ito ay handog para sa Panginoon. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.