Leviticus 6

“ ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na pagkaing butil: Ang mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa Panginoon sa harap ng altar.

Leviticus 6:14 (UKJV) And this is the law of the food offering: the sons of Aaron shall offer it before the LORD, before the altar.

12Kinakailangang ang apoy sa altar ay patuloy na nagniningas. Huwag itong papatayin. Tuwing umagaʼy gagatungan ito ng pari, at aayusin nang mabuti ang mga handog na sinusunog sa itaas ng mga panggatong pati na ang mga taba ng hayop mula sa inialay na handog pangkapayapaan.

13Patuloy na paniningasin ang apoy sa altar, at huwag itong pabayaang mamatay.

14“ ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog na pagkaing butil: Ang mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa Panginoon sa harap ng altar.

15Dadakot ang pari sa handog na harinang may halong langis ng olibo at insenso, dadalhin niya ito sa altar at sunugin bilang tanda na ito ay handog para sa Panginoon. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

16Ang natitirang harina ay kakainin ni Aaron at ng kanyang mga anak angkan. Ngunit kailangang itoʼy lulutuin nang walang pampaalsa, at doon nila kakainin sa banal na lugar sa bakuran ng Toldang Tipanan. Inilaan iyon ng Panginoon para sa kanila bilang bahagi ng pagkaing handog na inialay sa kanya. Ito ay napakabanal, katulad ng handog para sa kasalanan, at handog bilang kabayaran ng pagkakasala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.