18Ang lahat ng lalaking mula sa angkan ni Aaron hanggang sa kahuli-hulihang angkan ay maaaring kumain nito, dahil ito palagi ang kanilang bahagi sa pagkaing handog na inialay sa Panginoon hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ang sinumang hahawak ng mga handog na ito ay magiging banal.’ ”
19Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
20“Ito ang iaalay sa akin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa araw ng paghirang sa kanya bilang punong pari, at siya ring gagawin ng angkan niyang papalit sa kanya. Maghahandog siya ng dalawang kilo ng magandang klase ng harina. Ito ay handog na pagkaing butil para sa Panginoon na dapat gawin magpakailanman. Ang kalahati nitoʼy ihahandog niya sa umaga at ang kalahati naman ay sa hapon.
21Ang harinang ito ay hahaluan ng mantika at lulutuin sa kawali, pagpipira-pirasuhin at ihahandog sa Panginoon bilang handog na pagkaing butil. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.