Leviticus 6

Ang lahat ng lalaking mula sa angkan ni Aaron hanggang sa kahuli-hulihang angkan ay maaaring kumain nito, dahil ito palagi ang kanilang bahagi sa pagkaing handog na inialay sa Panginoon hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ang sinumang hahawak ng mga handog na ito ay magiging banal.’ ”

Leviticus 6:18 (UKJV) All the males among the children of Aaron shall eat of it. It shall be a statute for ever in your generations concerning the offerings of the LORD made by fire: every one that touches them shall be holy.

16Ang natitirang harina ay kakainin ni Aaron at ng kanyang mga anak angkan. Ngunit kailangang itoʼy lulutuin nang walang pampaalsa, at doon nila kakainin sa banal na lugar sa bakuran ng Toldang Tipanan. Inilaan iyon ng Panginoon para sa kanila bilang bahagi ng pagkaing handog na inialay sa kanya. Ito ay napakabanal, katulad ng handog para sa kasalanan, at handog bilang kabayaran ng pagkakasala.

18Ang lahat ng lalaking mula sa angkan ni Aaron hanggang sa kahuli-hulihang angkan ay maaaring kumain nito, dahil ito palagi ang kanilang bahagi sa pagkaing handog na inialay sa Panginoon hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ang sinumang hahawak ng mga handog na ito ay magiging banal.’ ”

19Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,

20“Ito ang iaalay sa akin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa araw ng paghirang sa kanya bilang punong pari, at siya ring gagawin ng angkan niyang papalit sa kanya. Maghahandog siya ng dalawang kilo ng magandang klase ng harina. Ito ay handog na pagkaing butil para sa Panginoon na dapat gawin magpakailanman. Ang kalahati nitoʼy ihahandog niya sa umaga at ang kalahati naman ay sa hapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.