Leviticus 6

Ang lahat ng hahawak nito ay magiging banal. Ang damit na matatalsikan ng dugo ng handog na itoʼy dapat labhan sa isang banal na lugar.

Leviticus 6:27 (UKJV) Whatsoever shall touch the flesh thereof shall be holy: and when there is sprinkled of the blood thereof upon any garment, you shall wash that whereon it was sprinkled in the holy place.

25“Sabihin mo ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki: ‘Ito ang mga tuntuning kailangang sundin tungkol sa handog para sa kasalanan: Ang handog para sa kasalanan ay kinakailangang patayin sa harapan ng Panginoon doon sa patayan ng handog na sinusunog. Ang handog para sa kasalanan ay napakabanal.

26Ang paring maghahandog nito ang siyang dapat kumain nito sa isang banal na lugar sa bakuran ng Toldang Tipanan.

27Ang lahat ng hahawak nito ay magiging banal. Ang damit na matatalsikan ng dugo ng handog na itoʼy dapat labhan sa isang banal na lugar.

28Ang palayok na pinaglutuan ng handog na ito ay dapat basagin. Ngunit kung kaldero, itoʼy dapat kuskusin at hugasang mabuti ng tubig.

29Ang lahat ng lalaki sa sambahayan ng pari ay maaaring kumain. Itoʼy napakabanal na handog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.