25Ang sinumang kakain ng taba ng hayop na maaaring ihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
26At saan man kayo tumira, huwag kayong kakain ng dugo ng hayop o ibon.
27Ang sinumang kakain ng dugo ay itiwalag na ninyo sa sambayanan.’ ”
28Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
29“Sabihin ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng handog pangkapayapaan ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari.