26At saan man kayo tumira, huwag kayong kakain ng dugo ng hayop o ibon.
27Ang sinumang kakain ng dugo ay itiwalag na ninyo sa sambayanan.’ ”
28Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
29“Sabihin ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng handog pangkapayapaan ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari.
30At ang bahaging iyon ng handog na pagkain ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon; ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.