10Sinunog niya sa altar ang mga taba at ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay mula sa handog para sa kasalanan ayon sa utos ng Panginoon kay Moises.
11Ang karne at ang balat ay sinunog niya sa labas ng kampo.
12Pagkatapos, pinatay din ni Aaron ang mga hayop na para sa handog na sinusunog. Ang dugo ay dinala ng kanyang mga anak sa kanya at iwinisik niya sa palibot ng altar.
13Dinala rin sa kanya ng mga anak niya ang hiniwa-hiwang mga karne ng handog na hayop, pati ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa altar.
14Hinugasan niya ang lamang-loob, at mga paa, at sinunog niya ang mga ito sa altar pati na ang iba pang parte ng handog na hayop.