Leviticus 9

ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar.

18Pinatay din ni Aaron ang baka at ang lalaking tupa para sa mga tao na kanilang handog pangkapayapaan. Ang dugo ay dinala sa kanya ng kanyang mga anak at iwinisik niya sa palibot ng altar.

19Ang taba ng mga ito – ang matabang buntot, ang mga taba sa lamang-loob, ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay

20ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar.

21Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.

22Pagkatapos maihandog ni Aaron ang handog para sa kasalanan, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at silaʼy binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.