19Ang taba ng mga ito – ang matabang buntot, ang mga taba sa lamang-loob, ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay
20ay ipinatong ng mga anak ni Aaron sa pitso ng mga handog na hayop. At sinunog ni Aaron ang mga taba sa altar.
21Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
22Pagkatapos maihandog ni Aaron ang handog para sa kasalanan, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at silaʼy binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar.
23Pagkatapos nitoʼy pumasok sina Aaron at Moises sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon sa mga tao ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa.