Leviticus 9

Pagkatapos nitoʼy pumasok sina Aaron at Moises sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon sa mga tao ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa.

21Ayon din sa utos ni Moises, itinaas ni Aaron ang pitso at ang kanang hita ng hayop sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.

22Pagkatapos maihandog ni Aaron ang handog para sa kasalanan, itinaas niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at silaʼy binasbasan niya, at pagkatapos, bumaba siya mula sa altar.

23Pagkatapos nitoʼy pumasok sina Aaron at Moises sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng Panginoon sa mga tao ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.