Leviticus 9

Kaya lumapit si Aaron sa altar at kinatay niya ang handog na batang toro bilang handog para sa kasalanan.

6Sinabi ni Moises sa kanila, “Inuutusan kayo ng Panginoon na gawin ninyo ang paghahandog na ito para ipakita niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan.”

7Pagkatapos, sinabi niya kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay mo ang iyong handog para sa kasalanan at handog na sinusunog para matubos ka at ang sambahayan mo sa inyong mga kasalanan. At ialay mo rin ang handog ng mga tao para sila rin ay matubos sa kanilang mga kasalanan ayon sa iniutos ng Panginoon.”

8Kaya lumapit si Aaron sa altar at kinatay niya ang handog na batang toro bilang handog para sa kasalanan.

9Ang dugo nitoʼy dinala sa kanya ng kanyang mga anak, at inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwinisik sa parang sungay sa mga sulok ng altar, at ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar.

10Sinunog niya sa altar ang mga taba at ang mga bato, pati na ang maliit na bahagi ng atay mula sa handog para sa kasalanan ayon sa utos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.