Lucas 1

Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David.

Luke 1:32 (UKJV) He shall be great, and shall be called the Son of the Highest: and the Lord God shall give unto him the throne of his father David:

30Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.

31Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.

32Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David.

33Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan.”

34Nagtanong si Maria sa anghel, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.