Lucas 1

Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.

Luke 1:30 (UKJV) And the angel said unto her, Fear not, Mary: for you have found favour with God.

28Sinabi ni Gabriel, “Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon.”

29Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon.

30Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.

31Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.

32Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.