Lucas 1

Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon.

Luke 1:29 (UKJV) And when she saw him, she was troubled at his saying, and cast in her mind what manner of salutation this should be.

27Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David.

28Sinabi ni Gabriel, “Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon.”

29Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon.

30Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos.

31Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.