43Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon.
44Nang marinig ko ang pagbati mo, gumalaw sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.
45Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.”
46At sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,
47at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas!