45Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.”
46At sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,
47at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas!
48Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon,
49dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos. Banal ang kanyang pangalan!