47at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas!
48Sapagkat inalala niya ako na kanyang abang lingkod. Mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng henerasyon,
49dahil sa dakilang mga bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos. Banal ang kanyang pangalan!
50Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon.
51Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang mga taong mataas ang tingin sa sarili.