52Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang mga trono, at iniangat niya ang mga aba.
53Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman.
54Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod. Sapagkat hindi niya kinalimutan ang pangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, na kaaawaan niya sila magpakailanman.”
56At nakitira si Maria kina Elisabet nang mga tatlong buwan bago siya umuwi.