Lucas 10

‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumikit sa mga paa namin ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Diyos.’

Luke 10:11 (UKJV) Even the very dust of your city, which cleaves on us, we do wipe off against you: notwithstanding be all of you sure of this, that the kingdom of God has come nigh unto you.

9Pagalingin ninyo ang mga may sakit doon, at sabihin ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Diyos sa kanila.

10Ngunit kung ayaw kayong tanggapin sa isang bayan, umalis kayo, at habang naglalakad kayo sa lansangan nila ay sabihin ninyo,

11‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumikit sa mga paa namin ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Diyos.’

12Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat ang parusang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodoma.

13“Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.