11‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumikit sa mga paa namin ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Diyos.’
12Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat ang parusang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodoma.
13“Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi.
14Kaya sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon.
15At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit, pero ang totooʼy ihuhulog kayo sa mundo ng mga patay!