Lucas 10

At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit, pero ang totooʼy ihuhulog kayo sa mundo ng mga patay!

Luke 10:15 (UKJV) And you, Capernaum, which are exalted to heaven, shall be thrust down to hell.

13“Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi.

14Kaya sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon.

15At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit, pero ang totooʼy ihuhulog kayo sa mundo ng mga patay!

16“Ang nakikinig sa inyoʼy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoʼy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

17Masayang bumalik ang pitumpuʼt dalawang tagasunod ni Hesus. Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, kahit po ang masasamáng espiritu ay sumusunod sa amin kapag inuutusan namin sila sa pangalan nʼyo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.