Lucas 10

Masayang bumalik ang pitumpuʼt dalawang tagasunod ni Hesus. Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, kahit po ang masasamáng espiritu ay sumusunod sa amin kapag inuutusan namin sila sa pangalan nʼyo!”

Luke 10:17 (UKJV) And the seventy returned again with joy, saying, Lord, even the devils are subject unto us through your name.

15At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit, pero ang totooʼy ihuhulog kayo sa mundo ng mga patay!

16“Ang nakikinig sa inyoʼy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoʼy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

17Masayang bumalik ang pitumpuʼt dalawang tagasunod ni Hesus. Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, kahit po ang masasamáng espiritu ay sumusunod sa amin kapag inuutusan namin sila sa pangalan nʼyo!”

18Sinabi ni Hesus sa kanila, “Nakita kong nahulog si Satanas mula sa langit na parang kidlat.

19Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway. At walang anumang makapipinsala sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.