Lucas 10

Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihín, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.

Luke 10:2 (UKJV) Therefore said he unto them, The harvest truly is great, but the labourers are few: pray all of you therefore the Lord of the harvest, that he would send forth labourers into his harvest.

1Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng pitumpuʼt dalawang alagad, at sinugo ang mga ito nang dala-dalawa sa mga bayan at iba pang mga lugar na pupuntahan niya.

2Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihín, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.

3Sige, lumakad na kayo. Ngunit mag-ingat kayo, dahil tulad kayo ng mga tupang isinugo ko sa mga lobo.

4Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.