1Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng pitumpuʼt dalawang alagad, at sinugo ang mga ito nang dala-dalawa sa mga bayan at iba pang mga lugar na pupuntahan niya.
2Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihín, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.
3Sige, lumakad na kayo. Ngunit mag-ingat kayo, dahil tulad kayo ng mga tupang isinugo ko sa mga lobo.
4Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan.
5“Pagpasok nʼyo sa alinmang bahay, bumati muna kayo ng, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito.’