Lucas 10

Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makita at marinig ang nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi iyon nangyari sa panahon nila.”

Luke 10:24 (UKJV) For I tell you, that many prophets and kings have desired to see those things which all of you see, and have not seen them; and to hear those things which all of you hear, and have not heard them.

22“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais kong makakilala sa Ama.”

23Humarap si Hesus sa mga alagad niya at sinabi sa kanila nang sarilinan, “Mapalad kayo dahil nakita mismo ninyo ang mga ginagawa ko.

24Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makita at marinig ang nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi iyon nangyari sa panahon nila.”

25Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

26Sumagot si Hesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.