Lucas 10

Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

Luke 10:25 (UKJV) And, behold, a certain lawyer stood up, and tempted him, saying, Master, what shall I do to inherit eternal life?

23Humarap si Hesus sa mga alagad niya at sinabi sa kanila nang sarilinan, “Mapalad kayo dahil nakita mismo ninyo ang mga ginagawa ko.

24Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makita at marinig ang nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi iyon nangyari sa panahon nila.”

25Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

26Sumagot si Hesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”

27Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.