Lucas 10

Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

Luke 10:27 (UKJV) And he answering said, You shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your strength, and with all your mind; and your neighbour as yourself.

25Lumapit kay Hesus ang isang tagapagturo ng Kautusan para subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

26Sumagot si Hesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”

27Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

28“Tama ang sagot mo,” sabi ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”

29Ngunit ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya tinanong ulit niya si Hesus, “At sino naman po ang kapwa ko?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.