26Sumagot si Hesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”
27Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
28“Tama ang sagot mo,” sabi ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”
29Ngunit ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya tinanong ulit niya si Hesus, “At sino naman po ang kapwa ko?”
30Bilang sagot, nagkuwento si Hesus: “May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na.