Lucas 10

Kung ang nakatira doon ay maibigin sa kapayapaan, mapapasakanila ang kapayapaang idinalangin ninyo. Ngunit kung hindi, hindi rin nila makakamtan iyon.

Luke 10:6 (UKJV) And if the son of peace be there, your peace shall rest upon it: if not, it shall turn to you again.

4Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan.

5“Pagpasok nʼyo sa alinmang bahay, bumati muna kayo ng, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito.’

6Kung ang nakatira doon ay maibigin sa kapayapaan, mapapasakanila ang kapayapaang idinalangin ninyo. Ngunit kung hindi, hindi rin nila makakamtan iyon.

7Manatili kayo sa bahay na tinutuluyan ninyo. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay. Kainin at inumin ninyo ang anumang ihain sa inyo dahil karapatan ng manggagawa na tumanggap ng sahod.

8“Kapag dumating kayo sa isang bayan at tinanggap kayo ng mga tao, kainin ninyo ang anumang ihain nila sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.