Lucas 11

Minsan, nananalangin si Hesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad niya, “Panginoon, turuan nʼyo po kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.”

Luke 11:1 (UKJV) And it came to pass, that, as he was praying in a certain place, when he ceased, one of his disciples said unto him, Lord, teach us to pray, as John also taught his disciples.

1Minsan, nananalangin si Hesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad niya, “Panginoon, turuan nʼyo po kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.”

2Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao. Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.

3Bigyan nʼyo kami ng pagkain sa araw-araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.