1Minsan, nananalangin si Hesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad niya, “Panginoon, turuan nʼyo po kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.”
2Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo: ‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao. Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.
3Bigyan nʼyo kami ng pagkain sa araw-araw.
4At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ”