Lucas 11

At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo?

Luke 11:12 (UKJV) Or if he shall ask an egg, will he offer him a scorpion?

10Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

11“Kayong mga magulang, kung ang anak nʼyo ay humihingi ng isda, ahas ba ang ibibigay ninyo?

12At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo?

13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya.”

14Minsan, nagpalayas si Hesus ng isang demonyo na naging sanhi ng pagkapipi ng lalaking sinaniban nito. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita na ang lalaki, at namangha ang mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.