Lucas 11

Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang Reyna ng Timog at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon; at ngayoʼy narito ang isang mas dakila pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.

Luke 11:31 (UKJV) The queen of the south shall rise up in the judgment with the men of this generation, and condemn them: for she came from the utmost parts of the earth to hear the wisdom of Solomon; and, behold, a greater than Solomon is here.

29Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasamá ng henerasyong ito. Humihingi sila ng tanda, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.

30Kung paanong naging palatandaan si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa henerasyong ito.

31Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang Reyna ng Timog at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon; at ngayoʼy narito ang isang mas dakila pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.

32Maging ang mga taga-Nineve ay tatayo rin sa Araw ng Paghuhukom at hahatulan ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas; at ngayoʼy narito ang isang nakahihigit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, pero ayaw ninyong magsisi.

33“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay itatago o tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.