Lucas 11

Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasamá ng henerasyong ito. Humihingi sila ng tanda, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.

Luke 11:29 (UKJV) And when the people were gathered thick together, he began to say, This is an evil generation: they seek a sign; and there shall no sign be given it, but the sign of Jonas the prophet.

27Nagsasalita pa si Hesus nang biglang sumigaw ang isang babae sa gitna ng maraming tao, “Mapalad ang babaeng nagsilang at nagpasuso sa inyo!”

28Ngunit sumagot si Hesus, “Higit na mapalad ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.”

29Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasamá ng henerasyong ito. Humihingi sila ng tanda, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.

30Kung paanong naging palatandaan si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa henerasyong ito.

31Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang Reyna ng Timog at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon; at ngayoʼy narito ang isang mas dakila pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.