Lucas 11

Nagtaka ang Pariseo nang makita niyang hindi muna naghugas ng kamay si Hesus bago kumain.

Luke 11:38 (UKJV) And when the Pharisee saw it, he marvelled that he had not first washed before dinner.

36Kung naliwanagan ang buo mong katawan, at walang bahaging nadiliman, magiging maliwanag ang lahat, na parang may ilaw na lumiliwanag sa iyo.”

37Pagkatapos magsalita ni Hesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa kanila. Kaya pumunta si Hesus at umupo sa may hapag-kainan.

38Nagtaka ang Pariseo nang makita niyang hindi muna naghugas ng kamay si Hesus bago kumain.

39Kaya sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan.

40Mga mangmang! Hindi baʼt ang Diyos na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.