Lucas 11

Kaya sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan.

Luke 11:39 (UKJV) And the Lord said unto him, Now do all of you Pharisees make clean the outside of the cup and the platter; but your inward part is full of ravening and wickedness.

37Pagkatapos magsalita ni Hesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa kanila. Kaya pumunta si Hesus at umupo sa may hapag-kainan.

38Nagtaka ang Pariseo nang makita niyang hindi muna naghugas ng kamay si Hesus bago kumain.

39Kaya sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan.

40Mga mangmang! Hindi baʼt ang Diyos na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob?

41Ngunit kung ibibigay ninyo bilang tulong sa mahihirap ang anumang nasa inyo, ang lahat ng bagay ay magiging malinis para sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.