Lucas 11

Kaya ito ang sinabi ng Diyos ayon sa karunungan niya, ‘Magpapadala ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; papatayin nila ang ilan sa mga ito at uusigin ang iba.’

Luke 11:49 (UKJV) Therefore also said the wisdom of God, I will send them prophets and apostles, and some of them they shall slay and persecute:

47“Nakakaawa kayo! Pinapalamutian ninyo ang mga libingan ng mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno.

48Kaya kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa nila. Sapagkat pinatay nila ang mga propeta, at kayo naman ang nagpapaayos ng mga libingan nila.

49Kaya ito ang sinabi ng Diyos ayon sa karunungan niya, ‘Magpapadala ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; papatayin nila ang ilan sa mga ito at uusigin ang iba.’

50Kaya mananagot ang henerasyong ito sa pagkamatay ng mga propeta ng Diyos mula nang likhain ang mundo,

51mula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo. Oo, tinitiyak ko sa inyo na parurusahan ang henerasyong ito dahil sa ginawa nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.