9Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang magsalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad.
11“Kapag dinala kayo sa mga sinagoga o sa mga tagapamahala ng bayan, huwag kayong mag-alala kung paano kayo mangangatwiran o kung ano ang sasabihin ninyo,
12sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
13Sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin.”