Lucas 12

Sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin.”

Luke 12:13 (UKJV) And one of the company said unto him, Master, speak to my brother, that he divide the inheritance with me.

11“Kapag dinala kayo sa mga sinagoga o sa mga tagapamahala ng bayan, huwag kayong mag-alala kung paano kayo mangangatwiran o kung ano ang sasabihin ninyo,

12sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

13Sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, sabihin nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa mana namin.”

14Sumagot si Hesus, “Kaibigan, tagahatol ba ako o tagahati ng pag-aari ninyo?”

15Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.