18“At sinabi niya, ‘Alam ko na! Gigibain ko ang mga bodega ko at magpapagawa ako ng mas malaki, at doon ko ilalagay ang ani at mga ari-arian ko.
19At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!’
20“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’
21“Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman ng sarili ngunit mahirap sa paningin ng Diyos.”
22Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin.