20“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’
21“Ganyan ang mangyayari sa taong nagpapayaman ng sarili ngunit mahirap sa paningin ng Diyos.”
22Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin.
23Dahil ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit.
24Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon!