22Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin; o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin.
23Dahil ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain, at ang katawan kaysa damit.
24Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon!
25Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala?
26Kaya kung hindi ninyo kayang gawin ang ganyang kaliit na bagay, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?