38Mapalad ang mga aliping iyon kung madadatnan sila ng amo nila na handa kahit anong oras, hatinggabi man o madaling-araw.
39Tandaan ninyo ito: Kung alam ng isang tao kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya hahayaang pasukin nito ang bahay niya.
40Kayo man ay dapat maging handa, dahil ang Anak ng Tao, ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
41Nagtanong si Pedro, “Panginoon, para kanino po ba ang talinghaga na iyon, para sa amin o para sa lahat?”
42Sumagot ang Panginoon, “Hindi baʼt ang tapat at matalinong utusan ang pamamahalain ng amo niya sa mga kapwa niya alipin, upang siya ang magbibigay sa kanila ng pagkain sa tamang oras?