Lucas 12

Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.

Luke 12:5 (UKJV) But I will forewarn you whom all of you shall fear: Fear him, which after he has killed has power to cast into hell; yea, I say unto you, Fear him.

3Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.

4“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa.

5Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.

6Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos.

7Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.