Lucas 12

Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.

Luke 12:3 (UKJV) Therefore whatsoever all of you have spoken in darkness shall be heard in the light; and that which all of you have spoken in the ear in closets shall be proclaimed upon the housetops.

1Libu-libong tao ang dumagsa kay Hesus, kaya nagkakatapakan na sila. Binalaan ni Hesus ang mga alagad niya, “Mag-ingat kayo at baka mahawa kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo. Ang ibig kong sabihin ay ang kanilang pagpapakitang-tao.

2Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag.

3Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kuwarto ay malalaman ng lahat.

4“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa.

5Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.