Lucas 13

Katulad ito ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at naging punongkahoy, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

Luke 13:19 (UKJV) It is like a grain of mustard seed, which a man took, and cast into his garden; and it grew, and waxed a great tree; and the fowls of the air lodged in the branches of it.

17Napahiya ang lahat ng kumakalaban kay Hesus sa sinabi niyang ito. Natuwa naman ang mga tao sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

18Nagpatuloy si Hesus sa pagtuturo niya, “Saan kaya maihahalintulad ang paghahari ng Diyos? Saan ko ito maihahambing?

19Katulad ito ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at naging punongkahoy, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”

20Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko pa kaya maihahambing ang paghahari ng Diyos?

21Katulad ito ng pampaalsang inihalo ng isang babae sa malaking palanggana ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.