19Katulad ito ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at naging punongkahoy, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”
20Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko pa kaya maihahambing ang paghahari ng Diyos?
21Katulad ito ng pampaalsang inihalo ng isang babae sa malaking palanggana ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”
22Nagpatuloy si Hesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem. Dumaan siya sa mga bayan at nayon at nagturo sa mga tao roon.
23May isang nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sumagot si Hesus,