Lucas 13

“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Tandaan ninyo: Marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi makakapasok.

Luke 13:24 (UKJV) Strive to enter in at the strait gate: for many, I say unto you, will seek to enter in, and shall not be able.

22Nagpatuloy si Hesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem. Dumaan siya sa mga bayan at nayon at nagturo sa mga tao roon.

23May isang nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sumagot si Hesus,

24“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Tandaan ninyo: Marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi makakapasok.

25Kapag isinara na ng may-ari ang pinto, maiiwan kayo sa labas na nakatayo, kumakatok at tumatawag, ‘Panginoon, papasukin nʼyo po kami!’ “Ngunit sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko kayo kilala!’

26“At sasabihin ninyo, ‘Nakasama po ninyo kaming kumain at uminom, at nagturo po kayo sa mga lansangan sa bayan namin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.