23May isang nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sumagot si Hesus,
24“Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Tandaan ninyo: Marami ang magsisikap na pumasok ngunit hindi makakapasok.
25Kapag isinara na ng may-ari ang pinto, maiiwan kayo sa labas na nakatayo, kumakatok at tumatawag, ‘Panginoon, papasukin nʼyo po kami!’ “Ngunit sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko kayo kilala!’
26“At sasabihin ninyo, ‘Nakasama po ninyo kaming kumain at uminom, at nagturo po kayo sa mga lansangan sa bayan namin.’
27“Sasagot naman siya, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng masama!’